Noli Me Tángere book cover

Noli Me Tángere Page #2

Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.

Genre: History, Novel, Satire
Year:
1887
484 Views


								
Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdâan, daanan n~g bangcang nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y hindî maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglagô n~g panahón. May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip. Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukhâ; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagyâ na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring culay.
Rate:
0.0 / 0 votes

José Rizal

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda was a Filipino nationalist and polymath during the tail end of the Spanish colonial period of the Philippines. He is tagged as the national hero of the Filipino people. more…

All José Rizal books

1 fan

Discuss this Noli Me Tángere book with the community:

0 Comments

    Translation

    Translate and read this book in other languages:

    Select another language:

    • - Select -
    • 简体中文 (Chinese - Simplified)
    • 繁體中文 (Chinese - Traditional)
    • Español (Spanish)
    • Esperanto (Esperanto)
    • 日本語 (Japanese)
    • Português (Portuguese)
    • Deutsch (German)
    • العربية (Arabic)
    • Français (French)
    • Русский (Russian)
    • ಕನ್ನಡ (Kannada)
    • 한국어 (Korean)
    • עברית (Hebrew)
    • Gaeilge (Irish)
    • Українська (Ukrainian)
    • اردو (Urdu)
    • Magyar (Hungarian)
    • मानक हिन्दी (Hindi)
    • Indonesia (Indonesian)
    • Italiano (Italian)
    • தமிழ் (Tamil)
    • Türkçe (Turkish)
    • తెలుగు (Telugu)
    • ภาษาไทย (Thai)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)
    • Čeština (Czech)
    • Polski (Polish)
    • Bahasa Indonesia (Indonesian)
    • Românește (Romanian)
    • Nederlands (Dutch)
    • Ελληνικά (Greek)
    • Latinum (Latin)
    • Svenska (Swedish)
    • Dansk (Danish)
    • Suomi (Finnish)
    • فارسی (Persian)
    • ייִדיש (Yiddish)
    • հայերեն (Armenian)
    • Norsk (Norwegian)
    • English (English)

    Citation

    Use the citation below to add this book to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 28 Mar. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.

    We need you!

    Help us build the largest authors community and books collection on the web!

    Spring 2024

    Writing Contest

    Join our short stories contest for an opportunity to win cash prizes and attain global acclaim for your talent.
    2
    months
    3
    days
    2
    hours

    Browse Literature.com

    Our favorite collection of

    Famous Authors

    »